GMA news TV special na motorcycle diaries Asean expedition, naiiba

NGAYON Hulyo, isang espesyal na dokumentaryo ng paglalakbay ang ihahandog ng GMA News Tv.

Gamit ang motorsiklo, tatlong bansa ang lalakbayin ni Peabody awardee Jay Taruc at ng kanyang mga kasamang beteranong motorcycle riders na sina Joey Almeda, Butch Chase at Toto Villanueva.

Mula Pilipinas, isinakay ang mga motorsiklo sa RORO sa Zamboanga papuntang Sandakan sa Sabah, Malaysia.  Pagdating dito, bibiyahe ang grupo patungong Brunei at sa Indonesia. Ang misyon nila ay sumali sa Big Bike Convention na gaganapin sa Pontianak, Indonesia. Layon nilang dalhin sa Pilipinas ang International Convention sa taong 2014.

Sa kanilang paglalakbay, iba’t ibang kuwento ng mga tao, kultura, pagkain, pasyalan, at maging mga Pilipinong naninirahan sa lugar na kanilang madadaanan ang babaunin nila sa pag-uwi sa Pilipinas.

Ikukwento rin nila sa pamamagitan ng video diary ang dadanasin nilang hirap, problema at pagod sa kanilang paglalakbay.

000

WALANG humpay na kasiyahan tuwing Linggo ang hatid ng TV5 sa Ha-ha-happy Sunday comedy block. Simula 11:30 ng umaga, maghanda nang gumulong sa kakatawa sa mga jokes at gags ng Loko Moko.

Pagsapit naman ng alas-12 ng tanghali, tuluy-tuloy lang ang saya sa masasayang games at malalaking papremyong hatid ng Game N Go. Samahan ang mga hosts na sina Joey de Leon, Edu Manzano, Arnell Ignacio, Gelli de Belen, Shalani Soledad-Romulo, Daniel Matsunaga and Monika Sta. Maria sa paghahatid nila ng kakaibang level ng energy na babago sa nakagawian nang pananghalian.

Kasunod ng Game N Go, ang paboritong superhero ng lahat na si Kapitan Awesome tuwing 2:30 ng hapon. Tampok dito sina Andrew E., Martin Escudero at Empoy.

Kaya’t yayain na ang buong pamilya at tumutok na sa Ha-ha-happy Sunday ng TV5. Ituluy-tuloy na ang ha-ha-halak-hakan simula sa Loko Moko ng 11:30 ng umaga at Game N Go ng 12:00 ng tanghali hanggang Kapitan Awesome ng 2:30 ng hapon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply