16-anyos nabuntis ng BF nagpakamatay

PATAY ang 16-anyos na dalagita matapos uminom ng lason sa Sitio Bogwak, Tagoloan Misamis Oriental makaraang mabuntis ng nobyo, sa ulat ng pulisya.

Lumalabas na nagpakamatay si Melissa Conyado sa pamamagitan ng pag-inom ng lason dahil sa takot na mapagalitan ng mga magulang matapos malamang nabuntis siya ng kasintahan.

Ayon sa ina ng biktima, nadatnan na lamang niya ang bata na bumubula na ang bibig sa kanyang silid at wala nang buhay.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang kasintahan ng biktima.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply