16 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

RIZAL– Sugatan ang 16 katao kabilang ang driver ng isang pampasaherong jeep matapos na mawalan ito ng kontrol at banggain ang dalawang pang jeep bago tumaob kaninang umaga sa bayan ng Taytay.

Kinilala ni Taytay traffic chief P/Sr. Insp. Armando Moises ang mga biktima na sina  Khin Kris Loyola, 23 anyos, ng  Brgy. Dalig, Antipolo City; Rafunzel Noriel, 27 anyos, Brgy,. Macamot, Binangonan; Arlene Alaba, 31 anyos,  ng Morong; Juliet Pascual, 30 anyos, ng Lagundi, Morong; Roselyn Javier, 23 anyos, ng Carissa 1, Teresa; Aileen Joyce Fuentes,18 anyos ng Dolores, Taytay; Salvador Teves, 51 anyos, ng Brgy. Dolores, Taytay; Gil Bantal, 42 anyos, ng Quisao, Pililla; Cezar Clave, 32 anyos, ng Tanay; Carlita Tonera, 47 anyos, ng Brgy. San Roque, Antipolo City; Gregoria Torera, 49 anyos, Byron Matamis, 43 anyos, ng Baras; Severino Tira tira,53 anyos, ng Morong; Juanito Cocadiz, 58 anyos, ng Brgy. Dalig, Antipolo City at dalawa pang hindi nakikilalang biktima.

Ang mga biktima ay isinugod sa Taytay Emergency Hospital para malapatan ng lunas habang ang iba naman ay dinala sa pinakamalapit na tertiary Hospital dahil sa tinamong grabeng pinsala.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng umaga sa kahabaan ng Ortigas Ave. Extn.,Brgy. San Isidro, Taytay, Rizal.

Nabatid na tinatahak ng pampasaherong jeep na may plakang DWA-816 na minamaneho ni Rolando Guerero ng Magtangol st. Baras, nang mawalan ito ng kontrol sa manibela at bumangga sa concrete barrier bago bumangga naman sa pampasaherong jeep na may plakang  DXV-202 na minamaneho ni Christian Ganalon at TMX-554 na minamaneho naman ni Ibarra Siena.

Sa paunang imbestigasyon ni PO2 Erwin Salvadora, sobrang bilis ng takbo ng sasakyan ni Guererro kung kayat hindi na nito naiwasan ang concrete barrier at tuloy-tuloy na sumalpok sa dalawang pampasaherong jeep bago bumaligtad.

Si Guererro ay nakaditini ngayon sa Taytay Police Jail at nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to multiple serious physical injuries and damage to properties.

 

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply