Pari nagpapasalamat sa kanyang ina

NAGPAPASALAMAT si Fr. Ronald Quijano, Director ng Commission on Family and Life- Bacolod sa kanyang ina dahil sa hindi nito pag-inom ng contraceptive pills na payo sa kanya ng doktor nang ipagbuntis siya nito.

Ayon kay Fr. Quijano ng JPII Institute for Studies on Marriage and the Family, sa halip na inumin ng ina ang gamot,  panalangin ang naging sandalan nito para maging ligtas sa kanyang pagdadalantao at maging ang sanggol sa sinapupunan.

Una ng binigyan ng Duktor ng gamot ang ina ni Fr. Quijano nang ipinagbubuntis siya nito sa gulang na 40 plus, subalit hindi niya ininom ang mga gamot na sa kalauna’y nalaman niya na isang contraceptive drugs.

Ayon sa pari, kung gumamit ng abortion pills ang kanyang ina nang ipinagbubuntis siya nito, hindi sana siya ngayon nakakapaglingkod sa kapwa at sa Panginoon.

“Ngayon ako ay nasa Family Ministry advocating hindi lamang ito trabaho o pastoral works sa Simbahan, ito ay karanasan ng bawat isa sangkot sa prolife activity ng Church, nagpapasalamat ako sa aking ina na panalangin ang kanyang itinugon sa payo ng doktor na maselan na siyang magbuntis dahil sa kanyang edad, kaya binigyan siya ng gamot na sabi ay pampakapit yun pala nalaman sa kalaunan, pampalaglag pala ito,” pahayag ni Fr. Quijano sa panayam ng Radyo Veritas.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply