Hurt nang sobra: Kristen Stewart nilayasan na ni Robert Pattinson

ALSA BALUTAN na nga ba itong si Robert Pattinson sa bahay na tinutuluyan nila ng ka-live na aktres na si Kristen Stewart?

Batay sa naglabasang ulat sa internet, sa kabila ng paghingi ng paumanhin sa harap sa publiko ng aktres ukol sa “panloloko” niya sa aktor ay babu na ang kanyang dyowa.

Sa tsutsu ng mga tsimosa, nakitang may bitbit na bagahe si Robert nang umalis ito sa bahay nila ni Kristen.

Balitang galit at labis na nasaktan si Robert sa panloloko umano sa kanya ng aktres.

Sina Kristen at Robert ay nagkasama sa Twilight Saga movies, kung saan sila ang mga gumanap sa lead role na sina Isabella Swan at Edward Cullen.

Habang ginagawa ang seryeng pelikula, ay nagkamabutihan ang dalawa at nauwi sa pag-iibigan hanggang sa magsama.

Nagsimula naman ng gusot ng dalawa Twilight star matapos kumalat ang pictures nila Kristen at Rupert Sanders kung saan kitang sweet ang mga ito sa isa’t isa at nagyayakapan pa.

Humingi na rin ng paumanhin si Sanders sa nangyari at umaasang mapaplantsa pa ang gusot sa nilikha nilang dalawa ng aktres.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply