170 katao nailigtas sa lumubog na vessel sa Tawi-Tawi

NAILIGTAS na ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Coast Guard at ng Philippine Navy ang 170 pasahero mula sa lumubog na passenger cargo vessel sa Sibutu Island sa Tawi-Tawi.

Ayon kay Lt. Commander Armand Balilio, tagapagsalita ng Coast Guard, nakalubog na ang kalahati ng ML Lucky Man nang dumating ang rescue team para mailigtas ang lahat ng pasahero.

Pinagsusumite naman ng Coast Guard ang pamunuan ng ML Lucky Man ng kumpletong manipesto pati na ang report kaugnay sa naganap na insidente.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply