18 OFW mula Kuwait balik-Pinas na

NAKABALIK na kahapon sa Pilipinas ang 18 overseas Filipino worker (OFW) na may kinakaharap na iba’t ibang problema sa Kuwait.

Ang mga Pinoy worker ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sa Pasay City, lulan ng Gulf Air fligh GR 156, bandang alas-singko ng hapon.

Inaayos na ang pagpapauwi sa mga OFW kani-kanilang probinsya. Mananatili muna sila sa Halfway Home ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Pasay City.

Isasalang din sila sa stress debriefing at orientation bilang bahagi ng re-integration program ng pamahalaan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply