197 pasahero nasagip ng PCG sa sumadsad na barko

NAILIGTAS ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 197 pasahero ng isnag barko na sumadsad sa Cebu.

Ayon kay PCG  spokesman Lt. Commander Arman Balilo, galing  ng Bohol ang M/V Ocean Jet 6 at patungo ito sa Cebu .

Malapit na umano  ang barko sa Pier ng Cebu nang bigla itong sumadsad.

Mabilis namang nakapagresponde ang PCG kung saan ipinadala ang Barko ng Republika ng Pilipinas (BRP) Davao del Norte upang sagipin ang mga pasahero ng sumadsad na barko.

Samantala, muling namang nagpaaalala si Balilio sa mga mangingisda at sa lahat ng shipping company na huwag munang maglayag sa mga baybayin ng Cagayan, kabilang na ang Calayan, at Babuyan Group of Islands kung saan nakataas ang public storm warning signal gayundin sa Isabela at Batanes group of Islands.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply