2 ‘Akyat Bahay’ tepok sa parak

NAPATAY ang dalawang hinihinalang miyembro ng “Akyat Bahay” gang makaraang makipagbarilan sa mga parak sa Quezon City kaninang madaling araw.

Nabatid na pina-lock na rin ang gate ng subdivision kung saan nakorner ang mga mga suspek habang inaalam kung may nakatas na kasamahan ang mga ito.

“Nang nagresponde sila rito, nagkahabulan … Armado ang dalawa. May nakita tayong baril,” ayon kay Quezon City Police District Station 6 commander Superintendent Ronnie Montejo sa isang panayam sa dzBB.

Naganap ang engkuwentro bandang alas- 5:30 ng umaga sa  F. Ventura Street sa BF Homes, isang subdivision sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City.

Narekober sa mga suspek ang pulang Innova-type Asian utility vehicle na walang license plates na naglalaman ng mga kagamitan na hinihinalang nakulimbat ng mga susek.

Nabatid na may sticker ng isang subdivision ang windshield ng Innova ngunit hindi naman malinaw kung ito ay galling sa BF Homes.

Ayon pa kay Montejo, nakatanggap sila ng isang tawag galing sa guwardiya ng naturang subdibisyon makaraang maghinala ito sa kakaibang kilos ng isang grupo ng kalalakihan.

Kasalukuyan naming nagsasagawa ng hot pursuit operation ang pulisya sa ikadarakip ng iba pang miyembro ng nakatakas.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply