2 akyat-bahay todas sa parak sa San Juan

DALAWANG akyat-bahay ang napatay matapos makipagbarilan sa mga rumespondeng pulis sa isang compound na target sanang looban ng mga una sa 2 Don Ejercito St., San Juan.

Sa ulat sa radyo, sinabi ni Lei Suarez, residente ng nasabing compound, na iihi sana siya nang mapansin ang dalawang hindi kilala at kahina-hinalag lalaki sa garahe.

Sinita ni Suarez ang mga lalaki ngunit tinutukan siya ng baril dahilan para dali-dali siyang pumasok sa kanilang bahay at tumawag sa himpilan ng pulisya.

Nang rumesponde ang mga parak ay nakipagpalitan ng putok ang dalawang napatay habang tumakas naman ang isang lalaking nakamotorsiklo na hinihilang look-out ng grupo.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply