2-anyos dinukot sa Albay

ISANG dalawang  taong bata ang dinukot ng isang lalaki sa mismong bahay ng biktima sa Albay kagabi.

Base sa pahayag ng mga magulang ng biktima,  nanonood lamang sila ng TV sa kanilang bahay nang mapansin ng ina ng bata na si Jenelyn Ijada, ng Barangay 18, ng naturang lalawigan na nawawala ang kanilang anak bandang  alas-10:00 ng gabi.

Base pa kay Jenelyn, kahit nakasarado na ang pinto ng kanilang bahay, nakuha pang makapasok ng itinuturong suspek na kinilalang si Raymond Batalla, ng nasabi ring barangay, sa loob ng kanilang bahay at tangayin ang bata.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad sa naganap na pandurukot at inaalam pa ang tunay na motibo ng krimen.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply