2 arestado sa pagtutulak ng shabu

LA UNION – Tinatayang nagkakahalaga ng P110,000 shabu ang nakumpiska ng mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency-Regional Office 1 (PDEA-RO1) at San Fernando police station sa isang buy-bust operation sa Barangay Pagdalagan Norte, San Fernado La Union.

Samantala, ang dalawang suspek na naaresto ng lokal na pulis ay nakilalang sina Hashem Barudi, 37, ng Bunuan Tundaligan at Lymbert Arizo, 39, parehong Dagupan City, Pangasinan.

Ayon kay PDEA-RO1 spokesperson Bismarc Bengwayan, nasa order-of-battle umano ang dalawang suspect na nagbebentang shabu sa western part ng Pangasinan at sa kalapit lugar nito.

Matapos malaman ang impormasyon, nagsagawa ng surveillance operation ang mga pulis upang tiyaking mga mga illegal na gawain ang mga suspek.

Matapos makumpirma ang illegal na pag bebenta ng droga, agad nagsagawa ang pinagsanib na PDEA-RO1 at San Fernando police station ng buy-bust operation bandang 2:00 ng hapon.

Matapos ang nasabing raid, nakumpiska ng mga pulis ang shabu na nagkakahalaga ng P110,000 sa kanilang hideout sa San Fernando, La Union.

Sa report, inaangkat umano ng mga suspek and mga droga sa Dagupan City at dinadala ito sa San Fernando, La Union.

Nahaharap ngayon sa kasong anti-illegal drug act ang mga suspek na nakakulong ngayon sa San Fernando, La Union dentention cell. ALLAN BERGONIA

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply