2 bangkay itinapon sa Quezon City

NATAGPUAN ang dalawang bangkay na hinihinalang biktima ng summary execution sa Santol Road, Barangay Santol, Quezon City kaninang alas-5:00 madaling araw.

Inilarawan ang isa sa dalawang biktima na nakasuot ng asul na shorts at asul na T-shirt  habang nakasuot naman ng itim na shorts at gray na T-shirt ang isa pa.

Hinihinalang sinakal gamit ang lubid at telephone wire ang mga biktima na iginapos din ng lubid ang mga kamay at paa.

May taas na 5’2″ talampakan ang biktimang may tattoo sa tiyan na “Regala” habang may taas naman na 5’3″ ang isa pang biktima na may tattoo sa leeg na “Nash Matthew.”

Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang krimen at patuloy pa ring inaalam kung sino ang may kagagawan sa pamamaslang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply