2 bata nagpositibo sa enterovirus – DOH

NAGPOSITIBO sa enterovirus ang dalawang bata sa bansa bagamat nasa maayos namang kalagayan ang mga ito sa ngayon, ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon kay Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, dinala sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Alabang, Muntinlupa City ang specimen ng dalawang bata upang masuri agad  at maberipika kung ito ay kaparehong EV-71 virus na laganap sa Cambodia.

Hindi pa pinangalanan ang mga bata at kung saan lugar nagmula ang mga ito. Inaalam pa ang resulta ng kanilang mga specimen.

Ang tumatamang virus  ani Tayag  ay hindi naman seryoso at self limiting illness lang hindi tulad ng sa Cambodia kung saan maraming bata na ang namamatay.

Kaugnay nito, nilinaw ni Tayag na walang ipinalalabas na travel restrictions sa mga pasaherong papunta at galing ng Cambodia.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply