2 binata kritikal sa 2 lasing na tamang hinala

KRITIKAL ang dalawang binata matapos pagsasaksakin ng dalawang  lasing na kapitbahay makaraan maghinala na sila ang pinagtatawan ng mga una sa Caloocan City, Miyerkules ng gabi, Hulyo 25.

Kapwa inoobserbahan sa East Avenue Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan sina Joseph Buhain, 19 at Wendel Naig, 16, pawang ng Llano road, Llano, nasabing lungsod.

Nadakip naman sina Jarrell Mahistrano, 25 at Jhun Ray Ilado, 17 at kapwa kalugar ng mga biktima.

Sa ulat, alas-11:30 ng gabi, kakuwentuhan ng mga biktima ang mga kaibigan sa nasabing lugar nang lapitan ng mga suspek at sinabihan na bakit sila pinagtatawanan ng mga una.

Nangatwiran si Buhain, dahilan upang sapakin ni Mahistrano at nang makitang kakasa ang mga biktima ay nagbunot ng patalim ang mga suspek bago pinagsasaksak ang mga biktima.

Matapos ang insidente ay dinala ang mga biktima sa EAMC habang nadakip naman ng mga barangay tanod ang mga suspek bago dinala sa presinto.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply