2 bus nagbanggaan, 1 todas, 50 sugatan

ISA ang agad na namatay habang 50 iba pa ang sugatan nang magbanggaan ang dalawang pampasaherong bus sa Barangay Rissing, bayan ng Bangar, La Union.

Kinilala ang namatay na si Phillip Quitoriano, 34, ng Cauayan, Ilocos Sur.

Nabatid na alas-2 ng madaling-araw kahapon nang magbanggaan ang parehong bus na pag-aari ng Partas Transportation Co., Inc.

Lumalabas na nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang drayber na si Tommy Sosias, 40, habang paliko sa naturang kalsada dahilan para bumangga sa bus na minamaneho naman ng 52-anyos na si Generoso Macasaet.

Iniimbestigahan na ang nasabing aksidente.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply