2 Chinese, Pinoy arestado sa buy-bust

TATLO katao, kabilang ang dalawang Chinese national at isang Filipino ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District, sa loob ng mall sa Divisoria, sa Tondo, Manila.

Aabot sa halagang P400,000 ang nasamsam na hinihinalang shabu sa mga suspek na nakilalang sina Jun Lou, 34 anyos ; tubong Sichuan at nanunuluyan sa 366 Arnaiz Avenue, San Lorenzo Village, Makati; Xiaohui Cai, 29 anyos ; tubong Fujian, China at nanunuluyan sa 85 Ongpin St., Binondo at ang isang Joel Villamor Y Esguerra, 31 anyos ; binata, ng Area  9, Pasong Tamo, Quezon City.

Batay sa ulat na isinumiti ng Station Anti-Illegal Drug-Special Operation Task Unit kay P/Supt. Ernesto Tendero Jr., Station Commander ng MPD-Moriones Police Station 2, dakong 9 :00 ng gabi, nitong Biyernes nang magsagawa ng buy bust operation sa Tutuban Mall sa Mayhaligue St., sakop ng Tondo.

Ayon sa report ng pulisya, inilatag ang isang buybust operation sa nasabing lugar, na kung saan ay gumamit ng halagang 400.000.00 na buddle money na nasa unahan ang genuine na tig isang libong piso at dito na umano nakakumpiska ang 2 pirasong plastic sachets na hinihinalang shabu.

Ang tatlo ay sinampahan na kasong paglabag sa Section 5 article ll ng R.A. 9165, habang ang mga ito’y nasa kustodiya ng nasabing himpilan ng pulisya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply