2 construction worker nakuryente, dedo

PATAY ang dalawang construction worker nang makuryente habang nagkukumpuni sa isang eskuwelahan sa lungsod ng Cauayan, Isabela.

Dead on arrival sa ospital sanhi ng tinamong 3rd degree burn sa buong katawan ang mga biktimang sina Erwin Perez, 20, residente ng Barangay District 1 at Efren Martinez, 29, ng Barangay Marabulig.

Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8:00 ng umaga sa loob ng isang eskuwelahan sa Cauayan City.

Ayon sa asawa ng isa sa mga biktima na si Neneng Perez, bago ang insidente ay binuhat ng kanyang mister at tatlo pang kasamahan nito sa trabaho ang pang-welding.

Pero hindi pa man sila nakaaabot sa lugar ng pagwe-weldingan, nabitiwan nila ang welding at bumagsak sa isang live wire.

Sasagutin naman ng paaralan ang gastusin sa pagamutan at pagpapalibing sa mga biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply