2 datu, Lumad patay sa karahasan sa Mindanao

BUMULAGTA sa bakbakan ang dalawang tribal datu at isang Lumad sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Davao City at North Cotabato kahapon.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Datu Causing Ogao, 60-anyos, at ang katutubong si Rodolfo Latakin, 64, residente ng Davao City. Sugatan din ang anak ni Datu Ogao na si Keem Ogao.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, tinambangan ang mga biktima sa Sitio Lower Malapange, Barangay Salaysay, Marilod district, Davao City.

Bago ito, pauwi na ang mga biktima mula sa Calinan district nang pagbabarilin ng mga suspek na sinasabing mga miyembro ng New People’s Army (NPA).

Sa North Cotabato, aabot naman sa 60 miyembro ng NPA ang sumalakay sa Sitio Kiapat, Brgy Ganatan, Arakan, nitong Biyernes ng madaling araw.

Ayon sa Eastern Mindanao Command, lahat ng mga lalaki sa nasabing lugar ang pinagsama-sama at itinali ng mga rebelde kasama na si LibontosImpok Ansabo (Datu Ibon), ang tribal datu sa lugar.

Dagdag ng Philippine Army, katuwang nila ang Philippine National Police (PNP) sa isinasagawa nilang imbestigasyon sa nangyaring dalawang krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply