2 nang-umit ng luncheon meat, binitbit

SWAK sa kulungan ang dalawa katao dahil sa pagsasabwatan sa pang-uumit ng walong piraso ng de-latang luncheon meat sa isang kilalang Supermarket sa Malate, Maynila kagabi (Hulyo 5).

Kinilala ang mga dinakip na sina Michael Cervantes, 48 at Henelita Santos, 41, kapwa residente ng 818 Benny St., Sampaloc, Maynila dahil sa reklamo ni Dominador Garcia, Representative ng Rustan’s Supermarket sa Harrison Plaza, Malate, Maynila.

Sa report ng pulisya, dakong 8:00 kagabi nang naganap ang insidente sa loob ng nasabing supermarket.

Ayon sa MPD Station 9, pumasok ang mag suspek sa mall at nagpanggap na kostumer kung saan patago nilang isinilid sa kanilang bag ang walong piraso ng nasabing produkto.

Lingid sa kanilang kaalaman ay minamanmanan na sila ng security guard dahil sa kahina-hinala nilang kilos.

Nang palabas na sa supermarket ang dalawa ay saka naman sila hinarang at nakuha sa kanilang pag-iingat ang mga de latang luncheon meat na nagkakahalaga ng P768.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply