2 drug den sa Navatos sinalakay

SINALAKAY ng ng pinagsanib ng pwersa ng Northern Police District (NPD) at ng Philippine Drug Enforcement Agency, National Capital Region (PDEA-NCR) ang dalawang bahay na hinihinalang drug den sa Navotas City sa ikinasang operasyon kahapon ng madaling araw.

Unang nilusob ng mga awtoridad ang mga barong-barong sa tapat lang ng Tangos Elementary School sa Barangay Tangos sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Carlos Flores ng Malabon Regional Trial Court (RTC.)

Dito narekober ang 20 gramo ng shabu at nadakip sina Buboy Tibayan, Chris Paranaque, Robert Baluyot, Elvira Panganiban at isang alyas Entong habang nakatakas ang isang alyas Obet. Ang mga nabanggit ay pawang miyembro ng Tibayan drug syndicate na nasa drug watchlist ng PDEA.

Sunod na sinalakay ang mga barong-barong sa Brgy. Daang Hari na sinasabing talamak din ang operasyon ng iligal na droga sa lugar.

Nabatid na ang nasabing operasyon ay may basbas ng lokal na pamahalaan ng Navotas sa kagustuhan ni Mayor John Rey Tiangco na maging zero drug related ang kanyang nasasakupan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply