2 grupo ng senglot nagsaksakan dahil sa mikropono

AGAWAN sa mikropono ang ugat sa saksakan ng dalawang grupo ng kalalakihan dahil lamang sa agawan sa mikropono sa isang videoke restaurant kaninang madaling-araw sa Pasay City.

Nabatid na pauwi na sana ang mga biktimang sina Jonathan Ybanez, 24 at Francisco Escuerdo, 22, ala-5 ng madaling-araw nang harangin ng grupo ng mga suspek na una nilang nakaalitan sa loob ng Nicolas Videoke bar and restaurant sa kanto ng EDSA at F.B. Harrison St. dahil sa pag-agawan sa mikropono.

Nauwi sa mainitang pagtatalo ang komprontasyon hanggang sa magsuntukan ang dalawang grupo kung saan humugot ng ice pick ang isa sa mga suspek at inundayan ng saksak ang dalawang biktima.

Nagtamo ng isang tama ng saksak sa kaliwang bahagi ng dibdib si Ybanez habang sa kaliwang braso naman si Escuerdo na kapwa isinugod sa San Juan De Dios Hospital habang mabilis na nagsitakas ang dalawang salarin.

Sa imbestigasyon, nasa loob ng naturang videoke bar and restaurant at umiinom ng alak ang mga biktima habang sa isang mesa naman ang mga suspek nang mag-agawan sa mikropono sa pagnanais na umawit.

Naawat ng mga waiter ang pagbabangayan ng dalawang grupo subalit nang pauwi na ang dalawang biktima ay sinundan sila ng mga suspek saka sinaksak.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply