2 kawatan arestado sa mga kahol ng aso

KULONG ang dalawang magnanakaw matapos kumahol ang aso ng binibiktimang hardware sa Caloocan City Miyerkules ng gabi.

Nakilala ang mga suspek na sina Den Den Santos, 22 at Drando Lazo, 17 kapwa ng Tala ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi, nagising ang caretaker na si Jovel Bolvider, 49 ng Nova Hardware sa Sampaguita st,. Camarin ng lungsod dahil sa mga kahol ng aso.

Tumayo si Bolvider at napansin na patay ang ilaw ng hardware na naging dahilan upang buksan ng una at laking gulat nang makita ang mga suspek na nagnanakaw ng mga paninda.

Tumawag ng pulis ang caretaker kung saan nang respondehan ay nakuhanan ng balisong at dalawang bala ng kalibre .38 na naging dahilan upang bitbitin sa presinto.

3 akyat bahay

KULONG ang tatlong magnanakaw matapos pagnakawan ang kalugar sa Caloocan City Huwebes ng umaga, Hulyo 12.

Nakilala ang mga suspek na sina Alejandro Olayres, 25; Ricboy Panlilio, 21 at Christopher Moranta, 29, pawang ng Camarin ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-2 ng madaling araw, pinasok ng mga suspek ang bahay ng kalugar na si Eugene Marquez at tinangay ang dvd, gunting, kuwintas at cellphone na aabot sa halagang P4,700.

Sa pagtakas, nakita ng kapitbahay ng biktima ang mga suspek dahilan upang isumbong sa mga pulis na ikinadakip ng tatlo at mabawi ang mga kinulimbat.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply