2 KFR member utas sa engkuwentro

TUMIMBUWANG ang dalawang miyembro ng Kidnap For Ranson group makaraang makipagpalitan ng putok ng baril sa mga pulis sa Picong, Lanao Del Sur sa ulat ng pulisya.

Kinilala ang isa sa napatay na si Amir Andi, habang ang isa pa ay kinilala lamang sa alyas Shuh.

Lumalabas na si Andi ay kapatid ng isa pang Fahad Andi o mas kilala sa tawag na “Andi brothers,” itinuturing na isa sa mga lider ng KFR na nag-o-operate sa probinsya ng Zamboanga Sibugay at sa iba pang karatig na lugar.

Sa imbestigasyon, naglunsad ng operasyon ang magkasanib na puwersa ng PNP at militar sa kuta ng suspek sa Sitio Kabaturan, Barangay Mikulabo, Picong, Lanao Del Sur para isilbi ang warrant of arrest sa Andi brothers at ng iba pa nilang kasamahan.

Ngunit sa halip na sumuko ay lumaban ang grupo agad na ikinamatay ng dalawa.

Ang grupo ng Andi brothers ang responsable sa talamak na kidnapping sa Zamboanga .

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply