2 kilo ng marijuana leaves nakumpiska sa Ilocos

NAKUMPISKA ng mga awtoridad ang dalawang kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana sa ikinasang buy-bust operation sa Bacarra, Ilocos Norte.

Bukod dito, nadakip din ng pinagsanib na puwersa ng PDEA, Provincial Anti-illegal Drugs, local PNP at intelligence section ng Ilocos Norte Police Povincial Office ang tatlong hinihinalang drug personality.

Kinilala ang mga nahuli na sina Winston Rivera, Mark Lagazo at Rannie de Chavez, pawang tubong Pasuquin, Ilocos Norte.

Sa operasyon, nagpanggap na buyer ang mga pulis at nang iaabot na ang 20 plastic sachet ng marijuana na nagkakahalaga ng P10,000 ay binitbit na ang mga suspek.

Maliban sa mga nabili ng mga awtoridad, nakuha pa sa mga suspek ang 30 pang sachet at ilang bricks ng marijuana leaves na nagkakahalaga naman ng P25,000.

Inaayos na ang kasong isasampa sa mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply