2 lasing nasagasaan ng tren sa CamSur

LASOG ang katawan ng dalawang lasing na lalaki makaraang masagasaan ng tren ng Philippine National Railways matapos makatulog ang mga ito sa riles sa Camarines Sur sa ulat ng pulisya.

Kinilala ang mga namatay na sina Jeffrey Carpo, 22 at Kenny Tatodan, 23, kapwa ng Bgy. Agrupasyon, Ragay, nabanggit na lalawigan.

Sa imbestigasyon, lumalabas na lasing ang mga biktima dahilan para makatulog ang mga ito sa riles ng tren sa bahagi ng Brgy. Apale.

Ganap na 3:30 ng madaling-araw kanina nang masagasaan sila ng tren.

Paliwanag naman ng driver ng tren na hindi niya napansin ang mga biktima dahil bukod sa madamo ang lugar na hinigaan ng mga ito ay madalim din.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply