2 magsasaka pinagtataga, patay

PATAY ang dalawang magsasaka makaraang pagtatagain ng kapwa rin magsasaka sa General Nakar, Quezon.

Kinilala ang mga biktima na sina Michael Chavez, 27; at Joe Sta. Ana, 27.

Nabatid na naganap ang insidente sa kalagitnaan ng pagtatrabaho ng mga biktima nang biglang sumugod ang mga suspek at pagtatagain si Chavez sa leeg.

Nakita umano ni Sta. Ana ang nangyaring pananaga at tangkang pagtatago ng mga suspek sa labi ni Chavez, ngunit napagbalingan siya at pinagtataga rin.

Iniimbestigahan pa rin ng awtoridad ang nasabing pamamaslang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply