2 mangingisda nasagip ng oil tanker

NASAGIP ng isang oil tanker ang dalawang mangingisda sa karagatan sakop ng Bolinao, Pangasinan matapos na masira ang kanilang bangka sa kasagsagan ng sama ng panahon.

Ayon sa nakarating na ulat sa Philippine Coast Guard (PCG) mula sa PCG-North Luzon District sa San Fernando, La Union, ang mga biktima ay nakilalang sina Paraon Caampued Sr.,40, at anak na si Paraon Caampued Jr., kapwa residente ng Barangay Victoria sa nasabing bayan.

Nabatid na nagkaaberya ang makina ng bangka ng mag-amang Caampued habang nilalagyan ng gasolina sa kasagsagan ng malaks na pag-ulan bunsod ng bagyong Ferdie.

Tiyempo namang napadaan ang isang oil taker kaya iwinagayway ng mag-ama ang kulay puting takip ng ice box kaya agad silang nakita at nasagip.

Agad naman silang nasundo ng tauhan ng PCG sa gitna ng karagatan gamit ang isang rubber boat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply