2 napatay na akyat bahay, tumira sa bahay ni Ruiz

INANUNSYO ng Philippine National Police (PNP) na ang dalawang suspect  na napatay kaninang madaling araw sa engkwentro sa Quezon City, ang siya ring tumira sa panloloob kamakailan sa bahay ng TV reporter na si Jay Ruiz.

Ito ay matapos marekober ng Quezon City Police District (QCPD) station 6 operatives  sa mga napatay ng mga suspect ang mga identification card na mga anak ni Ruiz.

Dahil sa breakthrough na ito, tiniyak ng QCPD district police director Mario dele Vega, na ang dalawang napatay na mga pinaghihinalaang miyembro ng akyat bahay gang ang siya ring nanloob at lumimas sa mga gamit ni Ruiz kabilang ang dalawang laptop at cellphones.

Naniniwala naman si Ruiz na may iba pang kasamahan ang nasabing grupo dahil bukod sa may nakatakas na dalawang kasamahan ang  napatay na suspect ay malaking sindikato ang kinabibilangan ng dalawa dahil kumpleto ito sa mga gamit kabilang ang nakumpiskang kulay pulang Toyota Innova na ginagamit nila sa kanilang modus operandi.

Namatay ang dalawang suspect nang kumasa sila sa mga  Quezon City Police station 6 sa BF Homes, Barangay Holy Spirit kaninang umaga lamang.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply