2 negosyante todas sa riding in tandem

DALAWA naman na negosyante ang panibagong biktima ng kilabot na riding-in-tandem sa Zamboanga City kaninang umaga (Hulyo 27).

Dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala ng kalibre 45 sa iba’t ibang bahagai ng katawan ang biktimang sina George Yap Lu habang dead on arrival naman sa ospital ang kaangkas nitong si Melchor Revilla.

Blangko pa ang pulisya kung sino ang nasa likod ng pananambang pero isa sa mga nasisilip nilang motibo sa krimen ay katunggali sa negosyo.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente sa national highway ng Barangay Sta. Maria. Zamboanga City.

Bago ito, lulan sa kanilang motorsiko ang mga biktima nang buntutan at pagbabarilin ng mga suspek na nakasakay din sa isang motorsiklo.

Base sa rekord, umabot na sa 105 ang bilang ng mga naging biktima ng pamamaril sa lungsod simula noong buwan ng Enero nitong taon hanggang sa kasalukuyan.

Sa nasabing bilang, mahigit 70 rito ang namatay.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply