2 nominado sa pagka-CJ laglag na

DALAWANG nominado sa pagkapunong mahistrado ang hindi na mabibigyan ng pagkakataong mapabilang sa shortlist ng Judicial and Bar Council (JBC).

Diniskuwalipika sina Atty. Vicente Velasquez at dating Immigration Commissioner Rufus Rodriguez dahil sa hindi pagtugon sa documentary requirement na kailangan nila para sa aplikasyon para sa nasbaing posisyon.

Dahil dito, hindi na mabibigyan pa ng pagkakataong sumalang sa panel interview ang dalawang dating nominado.

Si Velasquez ay nakatakda sanang sumalang sa panel interview sa bukas (Hulyo 26) habang sa Biyernes naman dapat si Rodriquez.

Sa ngayon, mayroon na lamang 20 nominado na ikokonsidera para sa isusumiteng shortlist kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply