2 parak huli sa hulidap sa Pasay City

INIIMBESTIGAHAN ng mga tauhan ng Pasay City police ang dalawang pulis na nadakip makaraang irieklamo sa panghoholdap ng isang Japanese national nitong nakaraang June 28 sa EDSA, ng naturang lungsod.

Kinilala ni Chief Inspector Joey Goforth ,hepe ng Criminal Investigation ang mga suspek na sina  PO3 Cayabyab at SPO1Magnayon na kapwa nakatalaga sa National Capital Regional Office R-7.

Nasakote ang dalawang pulis ng mga tauhan ng Police Community Precinct 6 makaraang makatanggap ng ulat na ang dalawang suspek ay nambibiktima ng mga Korean at Japanese tourist sa Herritage at Copacabana Hotel na nasa EDSA extension, Pasay City.

Batay sa record ng Copacabana Hotel, isang Japanese national na kinilala lamang sa pangalang Mr. Kim ang natangayan ng $250,000  noong nakaraang June 28, nang harangain ng dalawang suspek na nakasakay sa isang Toyota Revo na may control No. 636.

Bukod sa Japanese national, hinoldap din ng dalawang pulis ang isang Korean national may ilan araw na ang nakararaan.

Dahil sa natatanggap na reklamo, nagsagawa ng pagpapatrulya ang mga tauhan ng PCP-6 nang matukoy ang sinasakyan ng dalawang suspek sa kahabaan ng EDSA na hinihinalang mambibiktima muli ng dayuhan sa naturang lugar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply