2 pari sugatan sa pananambang ng ASG

SUGATAN ang dalawang pari matapos ang isinagawang pananambang ng mga hinihinalang bandidong  grupo na kumikilos sa lalawigan ng Basilan, ayon sa ulat ng pulisya at militar.

Base sa ng Office of Civil Defense-National Disaster Risk Reduction Managemenent Council na naka base sa Camp Aguinaldo, isinagawa  ang pananambang bandang alas 10:00 ng umaga sa bisinidad ng  Tumahubong town, lalawiagn ng Basilan.

Nabatid na isinagawa ang pananambang sa grupo ng mga sundalo na nagsilbi ring mga escort ng mga sibilayan kasama ng dalawang pari nang sapitin ng kanilang ang convoy kahabaan ng  circumferential road sa  Barangay Tumahubong, bayan ng Sumisip.

Base sa impormasyong ibinahagi ng Basilan PNP sa NDRRMC na may kasama ring mga miyembro ng  Citizens Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) at Special Forces ang pangkat ng mga pari subalit sinalakay pa rin sila ng mga armadong kalalakihan .

Kasalukuyan pang bineberipoika ang ang kalagayan ng dalawang pari .

Nagpasya ngayon ang pamunuan ng militar at PNP sa area na itaas ang antas ng kanilang alerto kasunod ng naganap na pananamabang na hinihinalang may kaugnayan sa nagaganap general voters’ registration para sa buong  Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Batay sa report ng Task Forces Basilan, nagkakasa ng road security ang awtoridad at dadaan ang dalawang parish priest na nakatalaga sa parokya ng Tumahubong, Sumisip nang bigla silang pagbabarilin ng mga armadong grupo.

Sinundan naman pa ito ng mga putok ng mga tropa ng militar at Cafgu at nagkaroon ng panandaliing bakbakan hanggang sa umatras din ang mga armadong kalalakihan.

Ayon kay Col. Romy Yogyog, ang commander ng Special Operations Task Force-Basilan (SOTF-Basilan), walang nasugatan sa mga sundalo at Cafgu subalit isang sibilyan na dumadaan habang nangyayari ang engkuwentro ang nadapliasan ng bala sa katawan.

Dahil sa nangyaring pag-atake ng mga rebelde, minabuti na lang muna ng awtoridad na kanselahin ang pagpunta ng dalawang pari sa kanilang parokya, habang nagsasagawa pa ng clearing operation ang militar sa lugar ng insidente.

Kinumpirma ni Yogyog na parehong grupo ng ASG na nang-ambush sa mga trabahante ng isang rubber plantation sa Sumisip ang responsable rin sa panibagong ambush.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply