2 patay, 17 sugatan sa salpukan ng sasakyan

DALAWA ang namatay, 17 ang sugatan nang magsalpukan ang isang pampasaherong bus at elf truck  na sinasakyan ng mga delagasyong dumalo sa Bangsamoro Leaders Assembly sa Camp darapanan, Sultan Kudarat Maguindanao.

Naganap ang insidente sa bayan ng Tantangan sa nabanggit na lalawigan habang pauwi na ang mga delegado sa Sarangani Province nang makasalpukan  ang isang unit ng Yellow Bus line sa barangay Maibu.

Isinugod ang mga biktimang sugatan sa South Cotabato Provincial Hospital.

Samantala,  isa rin ang namatay sa registration day noong July 6 matapos ma-heat stroke sa loob ng camp Darapanan.

Kinilala ang biktima na si Kanapia Lidasan,  miyembro ng Martial Guard Officer, General Staff ng MILF at residente ng Isulan Sultan Kudarat Province.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply