2 Pinoy, Indian patay sa vehicular accident sa UAE

DALAWANG Pinoy at isang Indian ang nasawi sa isang vehicular accident sa Abu Dhabi, United Arab Emirates na iniulat ngayon ng Gulf News.

Naganap ang aksidente kahapon kung saan 11 katao pa ang nasugatan makaraang masalpok ng isang 14-seater minibus ang isang taxi sa intersection ng Shaikh Saif Bin Mohammad Street at Al Saada streets sa Al Mushrif area sa Abu Dhabi.

Base sa naturang ulat, kinumpirma ni Abu Dhabi Police Traffic Accidents Section Investigation Department director Major Abdullah Al Suwaidi  na kasamang nasawi sakay ng minibus ang Pinoy na si Emerson Yolip, 26; at isang Indian na si Shafeer Narippatta, 23, na patungo sana sa kanilang pinagtatrababuhan bilang petrol station attendants sa Mussaffah.

Habang patay rin ang isang Pinoy na hindi pa alam ang pagkakakilanlan na nakasakay naman sa taxi na nakabanggaan ng minibus.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon base pa rin sa naturang ulat, mabilis ang takbo ng bus kahit red light na ang ilaw-trapiko na naging sanhi ng aksidente.

Kaagad namang rumesponde ang rescue teams at dinala sa Shaikh Khalifa Medical City sa Abu Dhabi ang mga biktima.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang Pakistani na drayber ng bus.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply