2 pisak sa tren sa Camarines Sur

DEAD on the spot ang dalawa katao makaraang masagasaan ng rumaragasang tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Ragay, Camarines Sur, kaninang umaga.

Kinilala ang mga namatay na sina Jefrey Capo at Keny Catuda, ng Barangay Agro Pacion, sa nasabing bayan matapos masagasaan ng tren na may biyaheng Manila-Naga bandang alas-3:30 ng madaling araw.

Kasalukuyan pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad sa nasabing aksidente.

Samantala, sa talaan ng PNR, bago ang insidenteng naganap kaninang madaling araw, umaabot na sa walo ang naitalang aksidente sa kanilang riles mula noong buwan ng Enero kabilang dito ang pagkakasaga sa lasing na si Rodrigo Osera na napugutan ng ulo at naputulan ng kamay.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply