2 pulis na sabit sa jueteng payola, itinapon sa ARMM

SINIBAK sa kanilang posisyon ang dalawang Metro Manila-based cops matapos gamitin umano ang pangalan ni Interior and Local Government Jesse Robredo para makakolekta ng jueteng payola mula sa mga operators ng illegal numbers game.

Sina PO2 Angelito Aguas at PO1 William Cajayon ay inilipat sa Basilan Provincial Police Office (BPPO) habang nagkakasa ng imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP) hinggil sa kanilang ginawang kasalanan.

“I had received several derogatory verbal and text message reports about the extortion activities of PO2 Aguas and PO1 Cajayon. I put to task the PNP to investigate them,” ayon kay Robredo sa isang pahayag kaninang umaga (Hunyo 9).

“As part of its disciplinary action against erring policemen, I think it was just right for the PNP to transfer them to the PNP regional office at ARMM,” dagdag pa nito.

Idinagdag din ni Robredo na nagbigay na siya ng istriktong kautusan sa lahat ng mga opisyal ng pulisya na manmanan ang dalawang pulis na nabanggit at tiyakin na isailalim sila sa moral value recovery trainings.

Si Aguas at kasalukuyang iniimbestigahan ng  PNP dahil sa pagtayo na jueteng payola collectors ng ilang tiwaling police officers mula sa PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), at maging sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ayon sa sources, ginamit umano nina Aguas at Cajayon ang pangalan ni Robredo para makakolekta at maka-pangotong ng pera mula sa gambling lords sa Metro Manila.

Samantalang ginamit naman ni Cajayon, ang pangalan ng  Inter-Agency Council at Anti-Trafficking Office, na pinumumunuan ni Vice President Jejomar Binay at Justice chief Leila De Lima, para kumolekta ng “protection money” sa mga karaoke bars at sauna massage parlors sa paligid ng Metro Manila.

Nang umupo noong  Setyembre 2011, ipinangako ni PNP chief Director General Bartolome na tutugisin niya ang lahat ng klase ng illegal gambling sa bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply