2 todas sa pamamaril sa Zambo

TODAS ang dalawa katao makaraang pagbabarilin sa magkahiwalay na lugar sa Zamboanga City sa ulat ng pulisya.

Unang iniulat ang pamamaril sa Barangay Limpapa, ikinamatay ng 64-anyos na si Roberto Sencio.

Nabatid na basta na lamang pinasok ng hindi nakilalang suspek ang biktima sa kanyang bahay saka niratrat ng M14 rifle sa ulo.

Todas din ang isang negosyante ng isda na Basilio Omat, 45, nang barilin sa Barangay Talon-Talon sa syudad.

Hinalang may kinalaman sa negosyo ang motibo sa pamamaslang.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply