2 trak ng flying registrants, naharang

NAHARANG ng mga tauhan ng Commission on Elections (Comelec) ang dalawang truck na puno ng mga flying registrants para sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) elections sa isang checkpoint sa Barangay Laguilayan, Isulan, Sultan Kudarat kaninang umaga.

Inamin ng isa sa mga nahuli na kinilalang si Basko Salik na isang nagngangalang “Elmer” ang kumuha sa kanila para magparehistro sa Shariff Aguak kapalit ng P200.

Dahil dito, doble-kayod na ang Comelec katulong ang militar at pulisya para mabantayan ang pagtatapos ng 10-araw na pagpapatala ng mga botante ngayong araw.

Nagdagdag na rin ng mga checkpoint upang maiwasan ang pagkakaroon ng iba pang karahasan sa lalawigan sanhi ng itinakdang pagpaparehistro.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply