20 bricks ng marijuana, nadiskubre sa ukay-ukay

HINDI nakalusot ang pagtatangka ng ilang sindikato ng iligal na droga na mailusot ang kanilang kontrabando dahil minalas na malaglag ang isa nilang bagahe ng ukay-ukay na naglalaman pala ng may 20 bricks ng pinatuyong marijuana na nakatakda sanang ideliver sa Tuba, Benguet.

Ayon  kay PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr., umaabot sa timbang  na 20 kilo ang mga nasabat na marijuana.

Batay sa ulat, nakatanggap umano ng tawag ang PDEA Cordillera Administrative Region (PDEA-CAR) sa pamumuno ni  Director Ronald Allan Ricardo sa isang concerned citizen na sinabing aksidenteng may nahulog umano sa isang bus na kulay berdeng sako na kahina-hinala ang laman sa may Taloy Sur, Tuba, Benguet noong hapon ng July 5 .

Dahil dito, agad pinuntahan ng PDEA ang itinurong lugar at dito na nila nadiskubre ang mga pinatuyong dahon ng marijuana na naka bricks na at tumitimbang ng isang kilo ang bawat bricks na umabot sa 20 bricks na nakabalot  sa diyaryo at nakasiksik sa mga ukay-ukay na damit.

Inaalam pa ng PDEA kung sinadyang inilaglag sa bus ang naturang sako na inaasahang  may kukuha sa lugar pero laking pasasalamat pa rin nila sa nagmalasakit na residente na agad tumawag sa kanilang tanggapan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply