20 taon kulong sa rapist ng menor de edad

INILIGTAS ng Korte Suprema sa habambuhay na pagkakakulong ang isang akusado sa pang-aabuso sa menor de edad.

Ito ay matapos na pagtibayin ng Supreme Court Third Division ang findings ng appellate court laban sa akusadong si Jover Matias.

Mula sa parusang reclusion perpetua,  na may katumbas na 40 taong pagkakulong, ibinaba ito sa reclusion temporal ng SC na may katapat na parusang 17 hanggang 20 taong pagkabilanggo.

Mula naman sa P30,000 multa ay itinaas ito ng Korte Suprema sa halagang P50,000.

Paliwanag ng SC, ang akusado ay convicted sa kasong sexual abuse na dito ay 13 years old na ang biktima nang mangyari ang pang-aabuso.

Nilinaw ng SC na sa ilalim ng Section 5 ng Article III ng RA 7610, kung ang biktima ng sexual abuse ay mas bata sa 12 anyos, ang akusado ay dapat na usigin sa  kasong statutory rape na ang katapat na parusa ay reclusion perpetua.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply