200 kilo ng botcha nasabat sa Maynila

NASAMSAM ng awtoridad ang may 200 kilo ng botchang karne ng baboy sa Hermosa Street sa Maynila kaninang 12:10 ng hatinggabi.

Ayon kay Manila City Veterinary Officer Joselito Diaz, namataan umano nila sa Caloocan ang isang tricycle na sinasakyan ng dalawang suspek na kinilalang sina Jason Macasinag at isang Daniel (menor de edad) na may dalang malaking plastic.

Nagtapon ang mga suspek ng plastik na naglalaman ng botchang karne sa isang basurahan sa 4th Avenue,  Caloocan at sinundan nila ito hanggang maabutan sa Maynila.

Sinabi ni Diaz na sa Divisoria sana ang bagsak ng mga botchang karne kung hindi nahuli ang mga suspek.

Ipinaliwanag pa ng opisyal na mayroong bagong modus ang mga nagtitinda ng botcha, itatapon ito sa basurahan at doon na lang kukunin ng mga tindero para ihalo sa mga sariwang karne na kanilang ibebenta.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply