200 pinagkalooban ng puhunan sa Maynila

MAY 200 beneficiary ang pinagkalooban ni Manila Mayor Alfredo S. Lim mula sa 6 na Distrito sa Maynila ng capital assistance para magamit na panimulang puhunan sa kanilang maliliit na negosyo.

Nalaman na umabot sa may P300, 000.00 Capital Assistance ang ipinagkaloob ng alkalde sa may Bulwagan Gat Antonio J. Villegas sa Manila City Hall.

“Ang Lungsod ng Maynila ay tumutulong sa inyo ng walang interest. Pwede kayong magtayo ng kahit anong negosyo na inyong gustuhin. Kasabay nito ay ang aming pangaral sa inyo na palaguin ninyo ang perang ipinagkatiwala sa inyo ng siudad ng Maynila,” ayon kay Lim .

“Kung OK ang business niyo at makakabayad na kayo ng utang, sa susunod na kayo ay umutang posible pa itong madoble hanggang P 3,000 to P 5,000 mabibigyan rin ng pagkakataon ang iba na makautang,” dagdag pa ni Lim.

Nalaman na ang Capital Assistance Program ay nagbibigay ng soft loan na nagkakahalaha ng P1,500.00 kada beneficiary para makatulong sa kanilang pang araw-araw na gastusin.

Ang naturang halaga ay babayaran ng hanggang 10 linggo na walang interes at kokolektahiin ng Tulong Kapwa Scheme, na siyang mangangasiwa sa pautang at magpapaikot ng pera.

Kasama ni Lim si Manila Department of Social Welfare Chief Jay Dela Fuente sa pagpapamahagi ng  capital assistance.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply