21 Chinese, Taiwanese arestado sa telephone fraud

INARESTO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang may 21 Taiwanese at Chinese na umano’y sangkot sa telephone fraud  at nambibiktima ng kanilang kapwa sa isinagawang pagsalakay sa Riverside Subdivision, Barangay Anunas, Friendship, Angeles City, Pampanga.

Nakilala ang mga suspek na sina Huang Li Sin;  Huang Shih-Ting; Teng Ya-Huei; Chang Shu-Chu; Lai Chao-Ming; Wu Shu-Lun; Lin Jen Chien;  Cheng Chih-Lung; You Jiafu; Huang Cheng Hui; Chan Chih Hsien; Yang Yen Chun; Wang Pai Lu;  at Lin Shia Hao; na pawang mga Taiwanese nationals habang ang mga nadakip na Chinese ay kinilalang sina Xiang Hong;  Hong Xia Juan;  Zhang Dongmei;  Feng Jianbin;  Li Wu Xiu;  Luo Jia Xin; at Luo Shi You.

Pinaghahanap naman ang sinasabing lider ng sindikato na si Shih Liang Shia, alias Mr. Chen.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8484 (the Access Devices Regulation Act of1998) sa Angeles City  Prosecutor’s Office.

Ayon sa NBI, nakatanggap ang ahensya ng report noong Hulyo 5 mula sa isang Beny Chen, senior assistant, Taipei Economic and Cultural Office (TECO), na humihiling na imbestigahan ang isang intelligence report ng Ministry of Justice Investigation Bureau (MJIB) kaugnay nang umano’y panloloko ng mga dayuhan sa telepono.

Agad namang nagsagawa ng imbestigayson ang NBI sa pamamagitan ng paggamit ng impormante na isang computer technician na nakapasok sa grupo ng sindikato na siya ring nakakita sa operasyon ng mga dayuhan.

Nabatid na ang  fraud syndicate members ay gumagamit ng mga high-tech equipment sa kanilang operasyon kung saan nakakapanloko at nakakakuha ng New Taiwan Dollar (NT$) mula sa mga Taiwanese at Chinese nationals. Nagpapanggap ang mga suspect na call center agents.

Pinaniniwalaan ding nag-o-operate ang mga ito sa National Capital Region (NCR) at Luzon.

Nakumpiska naman sa mga suspek ang laptops, telephones, routers, modems at iba pang apparatus na ginagamit sa nila sa kanilang operasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply