22 kahong isda, nasabat ng anti-illegal fishing task force sa Cebu

NASABAT ng mga tauhan ng Anti-illigal Fishing Task Force ang 22 kahon na naglalaman ng isda sa lungsod ng Cebu.

Lulan ng trak ang 22 kahon ng mga isda nang nahuli ng task force habang ide-deliver na sa Pasil Fish Market sa lungsod ng Cebu.

Ang pagkakasabat sa  kahon-kahong isda ay bunsod sa kampanya  laban sa illegal fishing na  binuo ng Cebu Provincial Anti-illegal  Fishing Task Force.

Nakumpirna na ilan sa mga kahon ay nahuli gamit ang dynamite fishing base sa pagsusuri ng mga fish examiner.

Kaagad na ibinigay sa mga charitable institutions ang  nakumpiskang mga  isda para  ito’y mapakinabangan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply