3 ‘holdaper’ tepok sa parak sa Kyusi

PATAY ang tatlong hinihinalang holdaper nang maka-engkwentro ang mga pulis matapos holdapin ang isang on-line casino sa Novaliches, Quezon City kaninang madaling araw.

Inilarawan ang mga napatay na pawang nasa edad 25 hanggang 35, kayumanggign, naka-T-shirt ng kulay blue, green, comouflage at nakamaong pants.

Nakatakas naman ang dalawang kasamahan ng mga ito habang nagaganap ang barilan sa pagitan ng mga awtoridad.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Station 4 Novalihces, naganap ang insidente dakong 2:00 ng madaling araw sa loob ng E-Games sa Pascual Building Quirino Highway, Barangay Gulod, Novaliches, ng lungsod.

Sinabi ni SPO1 Ardie Manlongat na nagpanggap na kostumer ang mga suspek at nagdeklara ng holdap saka nilimas ang pera ng online casino at mga kostumer nito na umaboy sa halagang P 138,900.

Matapos makuha ang kanilang pakay tumakas ang mga suspek sakay ng isang kulay puting AUV subalit nasabat ang kanilang sasakyan ng mga rumospondeng pulis at dito na nagkaroon ng barilan.

Matapos ang palitan ng putok duguang tumimbuwang ang tatlo habang nakatakas naman ang mga kasamahan ng mga ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply