3-anyos na paslit kinarne ng adik na tatay sa Albay

NAPATAY ng adik na ama ang kanyang 3-anyos na anak na babae sa Albay matapos pagtatagain hanggang sa malagutan ng hininga kahapon sa ulat ng pulisya.

Kalunos-lunos ang sinapit ng biktima na kinilalang si Aiza mula sa kanyang amang si Joven Borjal, 26, ng Barangay Fatima, Tabaco .

Nabatid na alas-5:00 ng hapon nang nadiskubre ng mga kapitbahay kasama ng mga barangay tanod  ang krimen nang makita ang bakas ng dugo sa loob ng  bahay ng biktima.

Nakita nila ang wala nang buhay na bata na nangingitim na at tadtad ng sugat habang nakahandusay sa lapag.

Naabutan pa ng mga ito ang ama ng biktima na duguan at hawak pa ang itak na ginamit sa pagpatay sa sariling anak.

Agad na tumawag ng mga pulis ang mga brgy. tanod at ipinahuli ang suspek na napag-alaman na merong ding mga sugat sa ulo.

Pinaniniwalaan naman ng mga awtoridad na nagtangka ring magpakamatay ang suspek matapos patayin ang kanyang anak.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na may problema sa pag-iisip ang suspek at lango rin sa ipinagbabawal na droga.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply