3 bahay sinira ng sea swell, 117 pamilya apektado sa GenSan

TATLONG bahay ang nasira habang mahigit 117 pamilya ang apektado sa naganap na sea swell sa mga coastal barangay sa General Santos City.

Dahil dito, nakabantay ngayon ang mga residente sa muling pag-ulit ng pagtaas ng tubig sa dagat at paglakas ng alon na posibleng sumalanta sa kanilang kabahayan.

Ayon kay Barangay Dadiangas South Captain Alvin Veneracion, tatlong bahay ang nasira sa purok Tinago 9-B, kung saan apektado ang umaabot sa 97 na pamilya at mahigit sa 20 pamilya naman ang apektado sa purok Islam ng nasabing barangay.

Kasalukuyan namang binibigyan ng tulong ng local na pamahalaan ang mga apektadong mga pamilya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply