3 bihag ng NPA pinalaya na

TULUYAN ng pinalaya kamakalawa ng gabi ng New Peoples Army Northeastern Mindanao Regional Command ang tatlong kawani ng isang mining company na kanilang isinama matapos ang isinagawang pagsalakay ilang araw na ang nakalipas sa lalawigan ng Agusan del Sur.

Sa report na ibinahagi ng PNP at military, ganap na 7:15 ng gabi ay pinalaya tatlong kawani ng VPO Mining Company na binihag sa Barangay Bayugan 3, Rosario, Agusan Del Sur.

Sa pahayag na ibinigay ni  Ka Oris, spokesman ng National Democratic Front-Northeastern Mindano Regional Command (NDF-NMRC) sa media, nagpasya ang raiding team ng NPA na pakawalan na ang tatlong mga bihag na sina Christopher Ocite, anak ng may-ari naturang kompanya at in-charge ng operasyon; Joel Jayuma, in-charge ng security; at Crispin Alutaya, in-charge ng administration.

Nasa maayos namang umanong kalagayan ang tatlong biktima na ngayon aykasama nang kani-kanilang mga pamilya.

Paliwanag ni Ka Oris,  hindi naman umano sinadya ng grupo na dukutin ang tatlo dahil ang pakay lamang ng kanilang pagsalakay ay usapin hinggil sa napakaraming mga baril na aabot sa 60 fire arms ang nasa pag-iingat ng mining company.

Subalit habang nasa pagproseso umano ng imbestigasyon ay agad naming dumating  ang mga reinforcement mula sa hanay ng militar at PNP kaya’t nagdesisyon ang grupo na ipagpatuloy ang imbestigayon sa ibang lugar at ginawang bihag ang tatlo.

Nilinaw din ni Ka Oris na walang kapalit na ransom ang pagpalaya sa mga biktima katulad sa mga sinasabing demand umano na mga armas at pera.

Kasama din ng mga pamilya ang DSWD-Agusan del Sur sa pagsundo ng mgabihag.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply