3 daliri ng bagets durog sa gilingan ng longganisa

PUTOL ang tatlong daliri ng isang  binatilyo na nahalo pa sa ginagawang longganisa matapos kainin ang kanyang kamay ng  gilingan ng karne sa Makato, Aklan habang nagpo-proseso ng nasabing meat product sa ulat ng pulisya.

Sa report, kaagad namang naitakbo  sa Aklan Provincial Hospital si Angie Isidro, 15, ng Sebasti, Antique at nagtatrabaho sa naturang lugar.

Hindi na naibalik pa ng mga doktor ang tatlong daliri ng biktima at tanging ang hinlalaki at hinliliit na lamang ang natira.

Naganap ang insidente sa loob ng Makato public market habang gumagawa ang biktima ng longganisang ibinibenta.

Sinasabing imbes na stick na ginagamit sa panghalo sa ginigiling na baboy ay kamay ang ginamit ni Isidro, dahilan para aksidenteng nakain ng makina ang kanyang kamay.

Maswerte pa rin at napatay kaagad ang makina kaya  hindi tuluyang napasama ang iba pang daliri ng bagets.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply